1Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.
2Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan:
4Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.
9Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.
Commentary
Matthew Henry on Psalms 122
This psalm seems to have been penned by David for the use of the people of Israel, when they came up to Jerusalem to worship at the three solemn feasts. It was in David's time that Jerusalem was first chosen to be the city where God would record his name. It being a new thing, this, among other means, was used to…
Read the full commentary →