1Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
3Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
4Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
5Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
6Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
7Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
8Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Commentary
Matthew Henry on Psalms 121
Some call this the soldier's psalm, and think it was penned in the camp, when David was hazarding his life in the high places of the field, and thus trusted God to cover his head in the day of battle. Others call it the traveller's psalm (for there is nothing in it of military dangers) and think David penned it when…
Read the full commentary →