1Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
2Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man.
3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
4Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.
5Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,
6Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
8Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
9Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon.
Commentary
Matthew Henry on Psalms 113
This psalm begins and ends with "Hallelujah;" for, as many others, it is designed to promote the great and good work of praising God. I. We are here called upon and urged to praise God, ver. 1-3. II. We are here furnished with matter for praise, and words are put into our mouths, in singing which we must with holy…
Read the full commentary →