1Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.
5Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot.
6Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
7Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.
Commentary
Matthew Henry on Psalms 110
This psalm is pure gospel; it is only, and wholly, concerning Christ, the Messiah promised to the fathers and expected by them. It is plain that the Jews of old, even the worst of them, so understood it, however the modern Jews have endeavoured to pervert it and to rob us of it; for when the Lord Jesus proposed a…
Read the full commentary →