1Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid.
3Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)
4Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo.
6Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.
7Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Commentary
Matthew Henry on Psalms 75
Though this psalm is attributed to Asaph in the title, yet it does so exactly agree with David's circumstances, at his coming to the crown after the death of Saul, that most interpreters apply it to that juncture, and suppose that either Asaph penned it, in the person of David, as his poet-laureate (probably the…
Read the full commentary →