“Hataw Na”

Kailan man, o saan, walang pakialam
Tayo na’t mag-umpisa, tama na ang pag-upo mo
Tayo!
Sige, tayo’y magsaya
Alay ‘to sa ‘ting mundo, ‘yan ang nais ko

Tayo na… “te na”
Sali na… “h’lina”
Sa tugtog, ay bigyang saysay itong tunog
“Yan!”… at sabayan, sabay sumama ka
Sige lang ng sige, oh, kailangan mong lagyan

Refrain:
Hataw na! ‘wag kang mapagod
Hataw at galaw, ako’t ikaw (tayong lahat)
Hataw na! ng ganyan
Ang lahat gumagalaw k’ya
Hataw na!

Tayo’y magsama-sama,
Tayo ay magpasya
Sa bagsak-tunog ay sabay sa pagyugyog
Sana’y pagbigyan n’yo ako at makikita n’yo
Tamang paghataw at paglaro ng tono
‘Pag naririnig ko ang awit
Ay natutuwang tunay
Ang kailangan lang ay magamit
Sige, banat, sige
Kahit sino, puwede ba?

(Repeat Refrain)

Naghahatid balita sa bawat tao sa mundo
Yo! magsama-sama at tayo’y makisali
Ito ay kay dali

Rap:
Aking sinasabi na wala mang pasubali
At nagbabakasakali dahil di makapili
Ang pagbabago ng isipan, lumang kaugalian
Ang nais kong makita sa ating kapanahunan
Hataw! gumalaw, sumayaw o tugtugin
Na may malinis na hangarin, adhikain
Tambakan at takpan ang sama ng kalooban
Saka sa limot ibaon at iyong pal’tan
Ng bagong kisig para din naman sa gan’tong himig
At ‘wag naman nawang padadaig
Sa tulak ng bibig at maling isip
Upang hindi ka man makahagip ng kapatid
‘Wag ka sanang malupit
Sige na, birit, hirit, sundan ang awit
Hataw, gumalaw, sumayaw, ako’t ikaw…

(Repeat 2nd stanza, Refrain)

Hataw Na – Gary Valenciano
Hataw Na! – 1993

DISCLAIMER: christiancentral.net holds no ownership or copyright to any lyrics or music material posted herein. The following lyrics and publicly available Youtube video is property of their respective owners and artists. This song lyric was posted for archiving and informative purposes only. This website does not host any external photos or videos in this domain. All other media, graphics, layout, design and materials in this website is copyright and property of christiancentral.net. Please do not hesitate to contact us for any needed correction, clarification, additional information or extra credits. Post a comment below or mail us at [christiancentral.net][@][gmail].[com]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>